Willie pinagbantaan si Liz

will.jpg(via Journal) Panibagong kaso na naman ang dumating kay Willie Revillame na iniharap ng kanyang asawang si Liz Almoro. Sa panibagong demanda, sinabi ni Liz na pinagbabantaan siya ni Willie na sasaktan, at sinabi pa niyang sinaktan din daw nito noon ang kanilang anak nang tumanggi si-yang ibigay iyon sa ku-medyante.

Iyang sumbong na iyan ang dahilan kung bakit sinasabi ngang si Liz ay sumasailalim ngayon sa treatment dahil siya ay nagkaroon ng battered wife syndrome. Hindi nila actual na sinabing sinasaktan ni Willie ang kanyang asawa, pero ramdam niya sa kanyang kalooban ang pang-aabuso dahil sa mga nangyayari sa kanilang pagsasama.

Ngayon ay lumalabas na nga ang katotohanan na hindi biglaan lamang ang kanilang paghihiwalay kung di totoong matagal na silang may problema. Unang sinabi iyan sa isang TV interview ng isa sa kanilang mga ninong sa kasal, si Governor Chavit Singson na malapit sa pamilya nina Liz.

Kung doon sa kasong annulment na iniharap ni Liz para pawalang saysay na ang kasal nilang dalawa ni Willie Revillame ay pinagbawalan siya ng korte na magsalita ng kahit na ano, dito sa pangalawang kaso ay makapagsasalita na siya.

Dalawang bagay ang nakikita naming dahilan kung bakit nagsampa pa sila ng pangalawang kaso sa halip na gamitin na lamang iyong argument para makakuha ng annulment.

Una, talagang galit si Liz kay Willie at gusto ni-yang masiguro na mapapawalang bisa na nga ang kanilang kasal. Ikalawa, gusto nilang makapagsalita tungkol sa mga totoong pangyayari para mas magkaroon ng pressure ang kampo ni Willie na walang dudang natuwa nang magdesisyon ang korte na hindi dapat mapag-usapan ang annulment.

Ngayon nga naman, bukod sa pangalawang kaso, mas matindi ang pressure kay Willie dahil mapag-uusapan ang mga tunay na pangyayari na siyang dahilan ng ikalawang demandang iniharap ni Liz kay Willie.

– Ed De Leon

Find more like this: News

Comments

  1. Richard says:

    Mayabang ka kasi Willie… Buti nga sayo!

  2. ajfujita says:

    karma yan yung iba lang naman dyan ang bilib kasi lalo na yung mga fan daw kuno ng willie na yan. kung alam lang nila kung ano ang pagkatao ng idol nila. pati yung mga kababayan natin sa ibang bansa nauuto nya magaling lang naman yang mambola matamis ang dila kung totoong mabuting tao yan e bat walang nagtatagal na relasyo yan nakakailang asawa na ba yan o kinasama? di ba dapat maging mabuti ka munang ama at asawa bago masabi na mabuting tao e kung mabuti nga siya sa ibang tao hindi naman sa pamilya nya e ano yon pakitang tao para tumas ang rating ng show nya malakas lang ang karisma nyan sa masa sana magising na ang iba dyan!!!!

  3. sugar says:

    we realy enjoyed willie’s antics in wowowee, it helps alleviate our homesickness here in the middle east, kaya lang, sa harap ng camera lang pala sya maba it, we are really disappointed at hindi na kami nanonood mula ng lumabas ang balitang hiwalayan nilang mag-asawa. I hope he will change and ask forgiveness sa lahat ng pagkakamali niya, esp. to his wife and kids. so sad….

  4. maria says:

    oo nga talagang mayabang si willie e di ngaun nakakuha sya ng katapat, naniniwala ako kay liz kahit d ko pa naririnig ang side nya, karma yan kay willie plastic talga sya ,yung mga fans naman ni willie mga katulad din nya kayang utuin,kaya di na kami masyadong nanonood ng wowowie..

  5. jane says:

    Hi willie. idol na idol kita!! maging matatag ka lang sa mga problemang dumarating sa iyo ngayon. Alam kong lilipas din yan.Habang nanonood kasi ako ng wowowee, napapasaya mo talaga ako.thanx so much!!! Just be a good husband and father. I LOVE YOU SO MUCH!!! GODBLESS U ALWAYS!!!

  • U.N. Rights Council to Investigate Killings in Philippine Drug War
  • Philippines declares national alert after 456 die from dengue fever
  • Trying to save the stories of a Philippine culture, one scan at a time
  • Pinoy archaeologist brings new human species discovery to Australia
  • Philippines a slowly ageing society – PIDS study
  • Page 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7

    Entertainment

  • Nickelodeon releases first look at rebooted classic kids program Blue’s Clues with Filipino-American host Joshua Dela Cruz
  • How Marvel’s first featured Pinoy superhero can save society
  • This play tells the urgent story of a Filipino comfort woman
  • Will ‘Sahaya’ be the first Pinoy series on Netflix?
  • Z-GIRLS, Z-BOYS with Pinoy members to debut in Korea
  • MORE...

    Features

  • My story, and the new story of Filipino immigration
  • An appreciation of Moro food can bring Pinoy Muslims and Christians closer, says this Muslim chef
  • Showcase of PH culture, heritage
  • US and Philippines: Friends, Partners, and Allies
  • A Transgender Paradox, and Platform, in the Philippines
  • MORE...

    Tourism

  • Northern Blossom Flower Farm: Atok’s floral carpet
  • Philippines records ‘all-time high’ 7.1M tourist arrivals in 2018
  • Philippines island Boracay reopens for test run following huge cleanup
  • Philippines closes ‘cesspool’ tourist island of Boracay
  • Boracay Set to Ban Tourists for Six Months During Island ‘Rehabilitation’
  • MORE...

    Sports

  • Filipino speed skater bags spot in 2020 Winter Youth Olympics
  • Pinoy gymnast Carlo Yulo earns historic qualification in worlds
  • Finding a way to bring the NBA to the Philippines
  • First Filipino table tennis Olympian Ian “Yanyan” Lariba dies at 23
  • Skateboarder Margielyn Didal wins 4th gold for Philippines
  • MORE...

    OFW News

  • Filipino maids’ dragon boat team makes splash in Hong Kong
  • DOLE suspends OFW deployment to Kuwait
  • Some OFWs turn to vlogging to beat loneliness, share life abroad
  • Overseas Filipino Bank to serve immigrants, workers
  • The ‘bagong bayani’ of the Philippines
  • MORE...

    Environment

  • ‘Sordid Chapter’ Ends As Philippines Sends Back Canada’s Trash
  • Southeast Asia became dumping ground for plastic waste – study
  • Boracay Set to Ban Tourists for Six Months During Island ‘Rehabilitation’
  • Boracay: the good, bad and ugly sides to Philippine island for tourists
  • Luzon has greatest concentration of unique mammals
  • MORE...

    Pinoy Places
    and Faces