Philhealth benefits para sa mga OFWs

By PAT STO. TOMAS – Napakahalaga ang pagiging miyembro ng Philhealth at ang pagbayad ng membership premium contribution. Meron tayong natanggap na e-mail mula kay Jerome na kasalukuyang nasa Riyadh na nagtatanong kung bakit hindi nabibigyan agad ng Philhealth card ang isang OFW matapos itong magbayad ng kanyang premium fee sa POEA? Ayon kay Jerome, napakahalaga ng Philhealth card sapagkat ng minsang may nangyari sa kanyang pamilya at kailangang gamitin ang kanyang Philhealth privilege hindi binigyang halaga ang official receipt of payment na ibinigay ng POEA sa kanya.

Maganda itong katanungan ni Jerome na nagbigay sa atin ng pagkakataon upang mapag-usapan ang Philhealth benefits na maaring ma-enjoy ng isang OFW at ng kanyang pamilya. Kaya lang, katulad ng ating nakaraang kolum sa SSS at GSIS, mga basic information lamang ang ating maibabahagi. Para sa mas detalyeng inpormasyon, maari ninyong bisitahin ang website ng Philhealth sa http://www.philhealth.gov.ph o dili kaya ay papuntahin ninyo sa pinakamalapit na opisina ng Philhealth ang miyembro ng inyong pamilya para makapagtanong at makakuha ng specific na inpormasyon na nais ninyong malaman.

Ayon sa Philhealth ang bawat miyembro ay dapat magkaroon ng Philhealth card. Kaya nga lang sa kasalukuyang sistema na umiiral at sa sitwasyon kung saan medyo malayo ang POEA sa Philhealth head office, ito ay hindi maaring maibigay doon mismo sa oras ng pagbayad ng OFW ng kangyang Philhealth premium contributions doon sa POEA.

Kailangan pa kasing iproseso ng Philhealth head office ang Membership Data Record o MDR ng bawat miyembro at ito ay nangangailangan din ng kaunting panahon. Kaya ang kanilang payo sa mga OFWs, matapos mabayaran ang Philhealth premium contribution sa POEA maari kayong pumunta sa Philhealth head office para i-follow-up ang inyong card o di kaya para naman doon sa mga dating miyembro, ay ma-update ang inyong Membership Data Record lalo na ang listahan ng inyong mga dependents.

Para sa hindi pa nakaka-alam, ang Philhealth head office ay nasa Citistate Centre Building, 709 Shaw Boulevard, Pasig City, pagkalampas lamang ng Rizal Provincial Capitol kung kayo ay manggagaling sa EDSA.

Allowance

Ang isang miyembro ng Philhealth ay entitled to a 45-day confinement allowance sa loob ng isang taon kung sakaling siya ay magkasakit. Ito ay bukod doon sa another 45-day confinement allowance na maaring paghati-hatian ng kanyang qualified dependents kung sakaling sila naman ang magkasakit.

Para sa isang OFW ang confinement allowance ay puede ring ma-avail kung sakaling siya ay magkasakit habang nagtatrabaho sa ibang bansa at kailangan niyang manatili sa isang ospital doon. Kaya nga lang, katulad din ng pagpapa-ospital dito sa atin ang halaga ng allowance na maaring makuha ay limitado doon sa defined rates ng Philhealth.

Kailangan din na ang claim for confinement allowance benefit ay dapat ma-i-file dito sa Philhealth sa loob ng 180 days mula paglabas doon sa ospital sa bansang pinagtatrabahuhan. Meron din mga documentary requirements na dapat isumite. Ang mga ito ay makikita doon sa website ng Philhealth.

Ang qualified dependents ng isang OFW ay ang kanyang asawa, mga anak at mga magulang kung ang mga ito ay sisenta anyos na. Kung sakali na ang sino man sa mga dependents ay magkasakit, katulad ng nabanggit ko na sa itaas, sila ay entitled to a total 45 days confinement benefits na maari nilang paghati-hatian. Ito ay hiwalay sa 45 days confinement allowance na binibigay sa miyembro mismo, kung sakaling siya naman ang magkasakit.

Ayon sa Philhealth, kasama sa confinement allowance ang mga bayad para sa room and board, drugs and medicine, x-ray and laboratory, operating room at professional fees ng mga doctor na tumingin at umasikaso sa atin. Kasama din sa benepisyo ang panganganak, ang espesyal na serbisyo sa bagong silang na sangol sa ilalim ng kanilang Newborn Care Package, at ang pagtingin sa nagkakasakit ng TB, ng SARS at ng Bird Flu.

P900 a year

Dahil dito, napakahalaga ang pagiging miyembro ng Philhealth at ang pagbayad ng membership premium contribution. Lalo na sa mga OFWs at ito ay napakababa sa halangang P900 a year.

Ang pag-enjoy ng benefits ay magmumula sa unang araw ng ating membership na nakapaloob doon sa ating Membership Data Record at ito ay mananatili sa loob ng panahon na ang membership premium ay ating nabayaran. Normally, ito ay katumbas sa haba ng panahon na nakapaloob sa ating employment contract.

Kung sakali naman na na-extend ang inyong employment contract overseas, maari ninyong pabayaran sa miyembro ng inyong pamilya ang katumbas na premium contribution at ng sa gayon kayo at ang inyong pamilya ay covered pa rin ng Philhealth kahit kayo ay nasa ibang bansa pa.

Kahit papaano marahil tayo ay nakapagbigay ng mahalagang inpormasyon tungkol sa Philhealth. Kaya dumako naman tayo sa ilang specific na mga katanungan na ang mga kasagutan ay makapagbigay din na dagdag kaalaman sa ating mga tagasubaybay.

Tanong ni Fred sa Riyadh

Si Fred na nasa Riyadh ay may tatlong katanungan: isa bang regulasyon na ang nagtatrabaho sa ibang bansa ay dapat dumaan sa isang travel agency? Ano itong tinatawag na direct hiring? Ang OEC ba ay isa sa mga requirements na hahanapin sa mga nag-abroad na at muling makikipagsapalaran sa ibang bansa?

Sa mga katanungan ni Fred, parang nais ko tuloy magtanong kung paano siya napunta sa Riyadh at anong proseso ang kanyang dinaanan?

Anyway, ang pag-recruit at pagpapadala ng isang OFW para magtrabaho sa ibang bansa ay responsibilidad at maaring gawin lamang ng isang licensed recruitment agency. Walang kinalaman dito ang mga travel agencies maliban lamang kung ang mga ito ay na-involved ng licensed recruitment agencies sa pagbo-booked ng air travel at pagkuha ng plane tickets ng mga paalis na OFWs.

Uulitin ko, ang recruitment at placement ng mga OFWs ay puedeng gawin lamang ng licensed recruitment agency, hindi ng travel agency. Subalit meron pa ring exemption dito. Ito ay ang tinatawag na Direct Hiring. Ito yong mga manggagawa na hina-hire ng mga foreign diplomats o embahada o ng mga international organizations na deretsahang pinoproseso ng POEA ang mga papeles at hindi na kailangang dumaan pa sa licensed recruitment agency.

Kasama rin dito ang mangilan-ngilang mga private foreign employers na nais mag-hire ng professional o technical OFW at sa pag-analisa ng POEA ng hiring proposal ay may bentahe naman para sa OFW. Ang OEC naman o Overseas Employment Certificate, katulad ng ating natalakay na sa mga nakaraang kolum, ay hinihingi sa lahat ng OFWs na paalis. Ito ang patunay na ang pag-alis ng OFW ay legal, dokumentado at may pahintulot ng pamahalaan.

US at Canada

Doon naman sa katanungan ni Wilson na may permanent employment sa US at ni Romel na meron ding permanent employment sa Canada at parehong nagbabakasyon dito kung sila ba ay kailangan pang dumaan sa POEA dahil sa pareho naman silang may mga foreign documents na nagpapatunay ng kanilang overseas employment. Mas mabuti na rin na kayo ay dumaan sa POEA, doon sa kanilang tinatawag na Balik-Manggagawa window. Sa gayon kayo ay mabigyan ng OEC para wala ng hassle pagdating sa airport kung kayo ay paalis na. Magiging covered pa kayo ng OWWA at maging qualified na mag-avail ng kanilang mga welfare and benefit programs for OFWS.

Bilang pangwakas, meron din tayong natatanggap na mga napaka-specific na mga katanungan na kahit nais ko mang sagutin ay talagang hindi ko alam kung ano ang mga tamang sagot. Kaya i-acknowledge ko na lamang ang pagkakatanggap ng –email ni Jess na nais malaman kung ano ang dahilan at masyadong mahal ang pagpa-notaryo sa Bangkok at ano daw ba ang breakdown ng 1,260 Baht na notarial fee, at ng kay Rey na nagtatanong kung bakit ang passport renewal fee sa Saudi ay nagkakahalaga ng 200 Saudi Riyal na katumbas ng P2,000.

Hayaan ninyo at aking bibigyan ng kopya ng inyong e-mail ang DFA ng sa gayon ay kanilang masabi sa ating mga embahada sa Bangkok at Riyadh na hanapan ng kasagutan ang inyong katanungan.

Muli, maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay.

Ang e-mail ni Pat Sto. Tomas ay stotomaspat@gmail.com.

Find more like this: OFW

  • U.N. Rights Council to Investigate Killings in Philippine Drug War
  • Philippines declares national alert after 456 die from dengue fever
  • Trying to save the stories of a Philippine culture, one scan at a time
  • Pinoy archaeologist brings new human species discovery to Australia
  • Philippines a slowly ageing society – PIDS study
  • Page 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7

    Entertainment

  • Nickelodeon releases first look at rebooted classic kids program Blue’s Clues with Filipino-American host Joshua Dela Cruz
  • How Marvel’s first featured Pinoy superhero can save society
  • This play tells the urgent story of a Filipino comfort woman
  • Will ‘Sahaya’ be the first Pinoy series on Netflix?
  • Z-GIRLS, Z-BOYS with Pinoy members to debut in Korea
  • MORE...

    Features

  • My story, and the new story of Filipino immigration
  • An appreciation of Moro food can bring Pinoy Muslims and Christians closer, says this Muslim chef
  • Showcase of PH culture, heritage
  • US and Philippines: Friends, Partners, and Allies
  • A Transgender Paradox, and Platform, in the Philippines
  • MORE...

    Tourism

  • Northern Blossom Flower Farm: Atok’s floral carpet
  • Philippines records ‘all-time high’ 7.1M tourist arrivals in 2018
  • Philippines island Boracay reopens for test run following huge cleanup
  • Philippines closes ‘cesspool’ tourist island of Boracay
  • Boracay Set to Ban Tourists for Six Months During Island ‘Rehabilitation’
  • MORE...

    Sports

  • Filipino speed skater bags spot in 2020 Winter Youth Olympics
  • Pinoy gymnast Carlo Yulo earns historic qualification in worlds
  • Finding a way to bring the NBA to the Philippines
  • First Filipino table tennis Olympian Ian “Yanyan” Lariba dies at 23
  • Skateboarder Margielyn Didal wins 4th gold for Philippines
  • MORE...

    OFW News

  • Filipino maids’ dragon boat team makes splash in Hong Kong
  • DOLE suspends OFW deployment to Kuwait
  • Some OFWs turn to vlogging to beat loneliness, share life abroad
  • Overseas Filipino Bank to serve immigrants, workers
  • The ‘bagong bayani’ of the Philippines
  • MORE...

    Environment

  • ‘Sordid Chapter’ Ends As Philippines Sends Back Canada’s Trash
  • Southeast Asia became dumping ground for plastic waste – study
  • Boracay Set to Ban Tourists for Six Months During Island ‘Rehabilitation’
  • Boracay: the good, bad and ugly sides to Philippine island for tourists
  • Luzon has greatest concentration of unique mammals
  • MORE...

    Pinoy Places
    and Faces