Hala Bira!

(Editor’s Note: We don’t get a lot of poem contributions and when we do, we don’t hesitate to share it right away.)

Likha at titik ni
Ka Noel Malicdem

Proud to be an OFW

Gusto ko lang ibahagi ang tulang ito
Sa mga taong nakaupo sa Senado at kongreso
Sana kayo ay magkasundo na sa mga parte ninyo
Para di mahalata ang mga kawalanghiyaang ginagawa ninyo

Iisa lang ang apektado sa mga kalokohang ginagawa ninyo
Ang mamamayang Pilipino na sawa na sa mga panloloko
Dahil lang sa mga kaban ng bayan na pinag-aagawan ninyo
Huli na sa akto nakaupo pa rin sa puwesto.

Moro-moro ang tawag pag nag-imbestiga ang Senado at Kongreso
Kahit anong uri ng gusot basta laban sa gobyerno
Masabi lang na ginagampanan ang trabaho
Mapansin ng medya at malagay sa diyaryo.

Anomalya at korapsiyon malaking bahagi kayo
Kaya ang paggawa ng batas napapabayaan mo
Pati mga kabit tuloy napapakialaman ninyo
Imbestigasyong nagbibigay kahihiyan sa Senado at Kongreso

Maraming nakaupo di naman alam magserbisyo
Simpatiya lang sa masa kaya nakaupo
Wala pang batas na naipasa patapos na ang termino
Tanging pinakaaabangan ang magsalita sa entablado

Karamihan sa inyo halal lang sa kaban ng gobyerno
Kaya mga imbestigasyon di makasuhan ang akusado
Dahilan baka masangkot ang mga galamay ninyo
Dahil parehas lang naman kayong magnanakaw sa gobyerno

Paano mapapatunayan ang taong sangkot sa anomalya
Samantalang ang kapwa magnanakaw din ang nag-iimbestiga
Na alam naman ang kalakaran sa korapsiyon ng bansa
Bago pa man naihalal ay magnanakaw na.

Iyan ang Senado at Kongreso sa ating bansa
Kagalang-galang pero mga walang hiya
Walang ginawa kundi magpahiya sa pinagnakawan nila
Paraan lang ito para sa susunod na halalan ng bansa

Ipokrito lang ang magsabing walang magnanakaw sa inyo
Dahil halos pangalan lang ninyo ang nakaukit sa inyong mga proyekto
Ngunit ang taong dapat na paglingkuran ninyo
Patuloy ang hirap at ang buhay walang pinagbago.

Nagbago man ang pangulo
Wala pa ring Senador at Kongresista na matinong nakaupo
Lahat ay nagsasabing tapat na naglingkod sa tao
Batas ay butas sa mga pangkaraniwang tao.

Minsan ay nagpapanggap din itong isang maamo
Gamit ang simbahan kasama mga madre at Obispo
Na ginagamit lamang para mapabagsak ang gobyerno
At makinabang sa mga nakaw na dapat ay para sa tao.

Kaya di malayong mangyari pati pari ay naging politiko
Dahil natuto na rin sa mga tao sa Senado at kongreso
Na ginagamit sa eleksiyon para makaupo uli sa puwesto
Baka sa susunod na halalan Senador na rin ang mga ibang Obispo.

Sumawsaw pa ang mga makakakaliwa’t NGO
Gamit ang mga taong may pagmamalasakit kuno
Pero bahagi rin pala ng isang malawakang grupo
Nagahahanap ng kakampi para mailuklok din sa puwesto

Hindi po ito kuro-kuro o isang lamang kuwento
Dahil ang saksi ang sambayanang Pilipino
Na patuloy na bulag sa mga katiwalian ng mga politiko
Bayani pa kung ituring kapag nagbunyag laban sa gobyerno

Iyan ang kalakaran sa politika ng ating bansa
Kung sinong nakaupo siyang makikinabang sa kaban ng bansa
Kapag kulang ang parte saka lang ito kakanta
Mabibigyan pa ng parangal sa kalokohang kinasangkutan nila.

Kaya huwag nang magtaka sa mga nangyayari sa ating bansa
Dahil bahagi lang ito ng ikot ng maruming politika
Karangalan pa ang maging bahagi sa mga anomalya
Dahil di magtatagal sila rin ay mapapawalang sala

Marami na ang mga pangyayaring likas na sa ating bansa
Paulit-ulit lang para ang masa ay di makahalata
Dahil sila lang ang pag-asa kapag ang halalan malapit na
Pera lang ang katapat mahalal lang muli ang idolo nila

Kaya huwag maniwalang may bato sa langit
Dahil kapag ika’y binato talagang masakit
Sa kumakalam na sikmura wala kang malasakit
Dapat sa mga politiko dapuan na lamang ng matinding sakit

Ngunit malayong mangyari ang aking kagustuhan
Dahil ang politiko wala itong pakialam
Maraming paraan kung paano sila manlinlang
Para maipagpatuloy mga katiwalian.

Sa susunod na may makita kang sumisigaw ng pagbabago
Huwag agad palinlang dahil gamit lamang sila ng mga politiko
Kaya pati pari at Obispo sumawsaw na rin sa gulo
Nandamay pa ng mga sundalo para pabagsakin ang gobyerno.

Sa wari ko wala nang katapusan ang mga katiwaliang ito
Hangga’t ang taong bayan ay hawak ng mga politiko
Patuloy ang kahihiyan ng sambayanang Pilipino
Kagagawan ng mga tao sa kongreso at senado!

Na pinalala pa ng mga tao na nakaupo sa Gobyerno!….

Isa lamang akong OFW na nasa malayong ibayo
Na naging biktima ng mga katiwalian ninyo
Dahilan upang ako ay mapalayo sa pamilya at bayan ko
Na di man lang mabigyan ng katarungan kapag kami’y inaabuso

Sana ang makabasa nito’y huwag magalit
Paraan lang ito ng mapayapang paghihimagsik
Sa mga taong walang pagmamalasakit
Mananatiling biktima dahil tayo ay nanahimik.

Find more like this: Features

  • U.N. Rights Council to Investigate Killings in Philippine Drug War
  • Philippines declares national alert after 456 die from dengue fever
  • Trying to save the stories of a Philippine culture, one scan at a time
  • Pinoy archaeologist brings new human species discovery to Australia
  • Philippines a slowly ageing society – PIDS study
  • Page 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7

    Entertainment

  • Nickelodeon releases first look at rebooted classic kids program Blue’s Clues with Filipino-American host Joshua Dela Cruz
  • How Marvel’s first featured Pinoy superhero can save society
  • This play tells the urgent story of a Filipino comfort woman
  • Will ‘Sahaya’ be the first Pinoy series on Netflix?
  • Z-GIRLS, Z-BOYS with Pinoy members to debut in Korea
  • MORE...

    Features

  • My story, and the new story of Filipino immigration
  • An appreciation of Moro food can bring Pinoy Muslims and Christians closer, says this Muslim chef
  • Showcase of PH culture, heritage
  • US and Philippines: Friends, Partners, and Allies
  • A Transgender Paradox, and Platform, in the Philippines
  • MORE...

    Tourism

  • Northern Blossom Flower Farm: Atok’s floral carpet
  • Philippines records ‘all-time high’ 7.1M tourist arrivals in 2018
  • Philippines island Boracay reopens for test run following huge cleanup
  • Philippines closes ‘cesspool’ tourist island of Boracay
  • Boracay Set to Ban Tourists for Six Months During Island ‘Rehabilitation’
  • MORE...

    Sports

  • Filipino speed skater bags spot in 2020 Winter Youth Olympics
  • Pinoy gymnast Carlo Yulo earns historic qualification in worlds
  • Finding a way to bring the NBA to the Philippines
  • First Filipino table tennis Olympian Ian “Yanyan” Lariba dies at 23
  • Skateboarder Margielyn Didal wins 4th gold for Philippines
  • MORE...

    OFW News

  • Filipino maids’ dragon boat team makes splash in Hong Kong
  • DOLE suspends OFW deployment to Kuwait
  • Some OFWs turn to vlogging to beat loneliness, share life abroad
  • Overseas Filipino Bank to serve immigrants, workers
  • The ‘bagong bayani’ of the Philippines
  • MORE...

    Environment

  • ‘Sordid Chapter’ Ends As Philippines Sends Back Canada’s Trash
  • Southeast Asia became dumping ground for plastic waste – study
  • Boracay Set to Ban Tourists for Six Months During Island ‘Rehabilitation’
  • Boracay: the good, bad and ugly sides to Philippine island for tourists
  • Luzon has greatest concentration of unique mammals
  • MORE...

    Pinoy Places
    and Faces